Im trying to be friends with someone who, not in my wildest dreams, can be friends with me. I don't know, I just have this burden that I need to be friends with that person.
I made the move also. Exerted effort. But... I guess, its not yet the right time.
Although I admit I'm not also totally healed from the past experience but I'm opening myself to a new and sincere friendship.
Last night, I was talking to God, asking Him why I often think of that person. Why I still have the burden. But I told Him, if its not the right time, its not and asked Him to help me forget and unburden. " It'll come.." I said to myself. As for that human being.. "Maybe when the bitterness is not there anymore, even the pain. You only know that your not hurting when you can't remember the pain anymore."
And as for me.. "I can't remember the pain anymore, BUT everthing's still in my memory. "
I guess what I want is a genuine relationship with that person. But if its not meant to be, it won't happen.
Friday, December 28, 2007
Monday, December 17, 2007
Masakit
" Ang dami namang masakit sayo kat.." Ito ang sinabi sakin ni Ice 1 buwan na ang nakalilipas nung nagreklamo akong sumasakit yung ngipin ko. Pagkalipas ng isang linggo, tinanggalan ako ng wisdom tooth ( nagiisip ako ng tagalog nitong salitang ito). Tinahi ang aking gums kaya 1 araw akong absent sa trabaho. At halos isang linggo akong hirap magsalita at kumain. Ang daming bawal, lalo na ang kumain ng malalansa at maiiinit. Kamusta naman yon diba? Napakahirap. Para akong tinaggalan ng karapatang mabuhay. Wehehe.. Exag! Sa unang linggo ko pagkatapos ng aking operasyon, lahat ng kinakain ko ay malamig at malalambot at maliliit. Ewan ko nga kung namayat ba ako eh. Pero sa aking palagay, hindi naman. Hehe. Dahil kahit hirap akong kumain (umabot na sa kaawaan ako ni ice at aming mga kaibigan pag nakikita nila akong kumain), hindi ko hinahayaang onte lang ang nakakain ko. Sobrang tagal nga lang pero ang importante'y mabusog ang aking mga alaga sa tiyan. :)
Pero sa totoo lang, masakit at madugo ang naging proseso ng aking pag galing. Pero ang maganda dun ay inalagaan ako ni Yelo at ng aking pamilya.
Di pa natatapos ang aking paghihirap ay nagkaroon naman ako ng bisita. Alam na ng mga kababaihan ang aking sinasabi, at sa mga kalalakihan, kayo na bahalang magisip kung anu yun. Ito ay para sa mga walang malisyang tao at malawak ang pagiisip lamang. :) Kaya panibaong sakit nanaman ang aking nararamdaman. Napakahirap, nanaman, at napakasakit. Minsa'y naiisip kong mahirap maging babae at masakit. Naalala ko yung linya ni Judai sa kanyang pelikulang pinamagatang 'Kasal, Kasali, Kasalo', nung nanganak siya, pag gising niya, sinabi niya kay Ryan (oo, kami'y malapit sa isa't isa).. 'dapat, kayong mga lalaki ang nanganganak...'. Nakakatuwang isipin na mas mahirap nga ang maging babae pero masarap din naman kasi tayo lang ang sinusuyo pag nililigawan, tayo nga lang ang dapat nililigawan eh, hindi mga lalaki. Tayo lang ang nakakapag suot ng mga magagandang damit ang mga baro't saya na hindi naman kamahalan dahil ikumpara sa mga lalaki, napakamahal ng kanilang mga gamit at damit. At marami pa akong pwedeng isulat.
PERO, di naman ako nagrereklamo. Sinasabi ko lang. Alam kong natural naman na maramdaman ang mga ito, naisip ko lang magsulat ng blog dahil sobrang inaantok na ko at sumasakit ang ulo ko sa pagpipigil ng antok, para lang magising ako.
Ayun, hanggang sa muli. Maraming Salamat at may effort itong entry na ito. :)

Subscribe to:
Posts (Atom)